The Soul of Seoul
Mayroong 196 na bansa sa ating mundo, ito ay may kanya-kanyang natatagong ganda. Ganda na bibihani sa ating mga mata. Ganda na ipagmamalaki at titingalain ng bawat isa.
Ang Seoul,
South Korea ay isa sa masasabi kong maipagmamalaki n Asya sa mundo. Ito ay
popular na lugar ar sentro ng South Korea. Narito ang ilang dahilan kung bakit
ako nabighani sa ganda at sa kaakit-akit na lugar at kakaibang kultura nito:
- Ang mga Koreano ay parang mga Pilipino rin, maalaga sa mga bisita at mapag-aruga.
ü
- Ang mga makasaysayan na lugar tulad ng Gyeongbokgung Palace ay maayos na napangalagaan at naging atraksyon sa mga turista. Ito rin ay nakakatulong na bisitahin upang lubos na maunawaan ang kanilang kultura.
- Maraming atraktibong lugar na mabubusog an gating mga mata sa ganda ng mga tanawin dito.
ü
- Kung ang hanap naman ay bubusog sa ating mga tiyan ditto rin sa Seoul ay di ka bibiguin. Pagkain na sa bawat tikim at lasa’y di mo malilimutan.
- Dahil sa modernong ekonomiya nito ay sabay din ang kanilang pananamit sa paglipas ng panahon. Ang Seoul ay isang “fashion hub” na kahit ang mga dayuhan ay tinitingala sila.
- Isa pa sa dahilan kung bakit ako nabighani sa Seoul ay dahil ako ay isang Kpop fan. Hinahangaan ko ang mga Kpop artist sa kanilang galing at talento. Kaya kung ikaw ay katulad ko ding fan mapa-Kdrama man yan o ano man ay hindi ka mabibiguin ng Seoul upang mapunan ang iyong travel list.
Ito ay ilan
lang sa mga dahilan at mga bagay na nagpapatunay na ang Seoul ay isa sa pinaka
kahanga-hanga sa mundo na maaaring puntahan ng bawat indibidwal na naghahangad
o naghahanap ng kasiyahan at kaginhawaan ng kaisipan.